Trillanes hamon kay Duterte, magpa-drug testing pati mga anak nito.

0
Dapat umanong unahing i-drug testing ang pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte, ito ay ayon kay Senador Antonio Trillanes IV kilala sa pagiging numero-unong kritiko ng pangulo.
Matapos i-drug testing kanila (july 29) sa senado ni Senador Trillanes, nagbigay ito ng pahayag sa media, ayon sa senador, kung susukatin, dapat umanong unahin mag pa drug testing ang pamilya ni Duterte dahil sya mismo ang namumuno sa kampanya kontra droga na dapat ay malinaw sa mga pilipino na siya bilang pinuno ay malinis pagdating sa kanyang pinag lalaban.
“It’s in the interest ng ating mga kababayan na malaman na ang public servants nila ay hindi durugista, hindi influenced ng illegal drugs,”ani trillanes
“Ang sa akin dito, ang panawagan ko dapat ang Office of the President ang una. Dapat si Duterte mismo para malaman ng taumbayan na ‘yung mismong namumuno ng war on drugs ay hindi impluwensyado ng droga,”dagdag ni trillanes.
pinatutsadahan din ng senador ang mga anak ng pangulo na dapat nag kusa na ang mga ito dahil napakadami na raw napapatay ng kanilang tatay.
“Dapat magkusa sila kasi maraming pinapatay ang tatay nila kaya kailangan beyond reproach ang first family,” ani trillanes
Share.