Sinabi rin ni Ortega na alam ng Bise Presidente at iba pang mga lokal na opisyal ang problema sa droga sa lungsod.
“Ito po ay isang development na dapat talagang imbestigahan,” pahayag ni presidential spokesperson Harry Roque sa interview ng radio dzRH.
“Importante pong malaman natin ang katotohanan dito, dahil naninilbihan din sa bayan ang ating Bise Presidente at kung may mga ganitong pangyayari, dapat malaman natin anong mga hakbang na ginawa ni Bise Presidente, para mapatupad ang batas sa sarili niyang siyudad at sa sarili niyang mga kapamilya.” dagdag ni roque
Maaalalang Binansagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Naga City na “Hodbed” o pugad umano ng Iligal na droga ang lungsod kung kaya’t pinanindigan nitong hindi niya ipagkakatiwala ang kanyang puwesto kay Vice President Leni Robredo